Miyerkules, Marso 1, 2017
El Filibusterismo Kabanata IX : Mga Pilato
I. Buod
Naging usap-usapan sa bayan ang nangyaring pagkadakip kay Tandang Selo. Napag-usapan din nila na kung hindi umalis si Kabesang Tales ay hindi sana ito mangyayari kay Tandang Selo. Sa kabilang banda naman nito, ang kamag-anak ni Kabesang Tales na si Juli ay napilitang magpaalila sa isang matandang releheyosa na si Hermana Penchang. Pinagbintangan ni Hermana Penchang si Juli sa pagkadakip ng kanyang kamag-anak na si Kabesang Tales dahil kung alam lang nito kung papaano manalangin sa Panginoon ay sana hindi na nadakip pa si Kabesang Tales. Nagdaan ang ilang mga araw ay biglang bumalik si Kabesang Tales at pagkadating nito sa kanila ay laking gulat niya na wala na ang kanyang mga ari-arian at si Juli ay nagpaalila pa kay Hermana Penchang. Noong nalaman niya ang mga ito, walang nagawa si Kabesang Tales kung hindi ang maupo na lamang sa isang sulok at walang kibo.
II. Tauhan
Hermana Penchang - Isang matandang deboto ng Mahal na Birhen at nagbintang kay Juli na siya ang dahilan ng pagkawala ni Kabesang Tales.
Juli - Isang dalagitang nagpaalila kay Hermana Penchang dahil sa pagkawala ng kanyang kamag-anak na si Kabesang Tales.
Kabesang Tales - isang matandang lalaki na nahulog sa kamay ng mga tulisan at itinubos ni Juli sa pamamagitan ng pagsangla sa mga ari-arian nito.
III. Suliranin ng Kabanata
Juli ay napilitang magtrabaho kina Hermana Penchang dahil sa pagkawala ng kanyang kamag-anak na si Kabesang Tales. Dumaan ang ilang mga araw ay nakabalik na si Kabesang Tales at nagulat sa kanyang nadatnan na si Juli ay nagpaalila na at wala na ang kanyang mga ari-arian.
IV. Isyung Panlipunan
Napapaloob sa kabatanang ito ang pinakakaraniwang isyung panlipunan na "Kidnapping". Dahil sa pagkakaroon ng isyung ito sa ating lipunan, ang mga nagiging biktima ay napipilitang ibenta o isangla ang kanilang mga ari-arian para gawing pantubos sa mga biktima.
V. Gintong Aral
Ang mga tao sa paligid natin ay mahalaga. Dapat natin gawin ang lahat para lamang sila ay hindi mapahamak. Ang ginawa ni Juli sa kabanatang ito ay maganda dahil pinapakita niya na mahalaga sa kanya si Kabesang Tales bilang isang kamag-anak. Pero dapat din nating tandaan na hindi tayo dapat maging padalos-dalos sa mga magiging pasya natin sa buhay dahil maaaring ang kaakibat nitong epekto sa atin ay lubhang masama at matatagalan pa bago natin maibalik ang sarili natin.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
ano po sa tingin niyo ang maaaring maging simbolismo sa kabanatang ito?
TumugonBurahinDi q alam
BurahinAno po ang maaaring simbolismo sa kabanatang ito
TumugonBurahinAno ang pagsusuri sa kabanatang ito?
TumugonBurahin